Ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibilidad ng pag-agos ng lahar mula sa Bulkang Mayon kapag maganap ang malalakas na pag-ulan.
Ayon kay Mariton Bornas, ang head ng Volcano Monitoring Division ng PHIVOLCS, maaaring maapektuhan sa lahar flaw ang mga Bodyao at Banadero Channel sa bayan ng daraga.
Maaari ring maapektuhan ng lahar flow ang Pawa, Mabinit, Matanag, at Buyuan Channel sa Syudad ng Legazpi.
Gayonpaman, tiyak na hindi na lalabas ang lahar flow sa mga channel dahil sa hindi pa naman karami ang mga iniluluwa ng bulkan.
Batay aniya sa pagtaya ng PHIVOLCS Geological Team, mas mababa sa 10Million cu.m ang naibuga na ng nasabing bulkan mula nang i-akyat ito sa alert level-3 noong Hunyo-8 habang unang nasilayan ang maliit na lava flow noong Hunyo-11.
Kung sakaling mangyayari aniya ang lahar flow, hindi naman ito aasahang lalapit sa 6km permanent danger zone ng bulkan habang sa ngayon ay wala pa namang namomonitor na banta ng ashfall.