Pinag-aaralan ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education ang posibilidad ng pag-ban o pagbabawal ng paggamit ng cellphones sa loob ng silid-aralan.
Ito ang isa sa mga paraan na nakikita ni Gatchalian para manumbalik ang interes ng mga kabataan sa pagbabasa ng mga libro.
Sa ilalim ng binubuo nilang panukala ay ipagbabawal ang paggamit ng mga cellphone sa loob ng mga classroom at tuwing school hours.
Base na rin sa obserbasyon ng senador, marami sa mga bata ang nahuhumaling sa paggamit ng cellphone sa halip na magbasa ng libro.
Paliwanag ni Gatchalian, may mga pag-aaral kasing nagsasabi na ang pagkalulong ng mga kabataan sa cellphone ay nag-iiwas sa kanila sa pagbabasa, nakaBabawas sa kanilang study time at social time.
Sinabi rin ng mambabatas na mas mainam na magkaroon ng batas tungkol dito para may force of law sa pagpapatupad.