-- Advertisements --
DBM

Pinawi ng Department of Budget and Management (DBM) ang posibilidad ng reenacted budget para sa susunod na taon.

Ito ay kasunod ng mabilis na pag-apruba ng Kamara de Representantes sa 2024 general appropriations bill (GAB).

Kapag hindi kasi naaprubahan ang bagong pondo bago magsimula ang 2024, mapipilitan ang pamahalaang mag-operate sa ilalim ng reenacted budget o paggamit ng appropritions mula sa nakalipas na taon na posibleng makaapekto sa implementasyon ng bagong mga programa at inisyatibo.

Pinuri din naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang napapanahong pag-apruba ng panukalang pondo para sa susunod na taon at inihayag na on track ang Marcos administration para makamit ang development goals nito.

Una ng nakakuha ng majority vote ang 2024 general appropriation sbill mula sa 296 mambabatas na bumoto ng pabor sa ikatlo at huling pagbasa nitong gabi ng Miyerkules, Setyembre 27.

Top