-- Advertisements --

Nilinaw ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr. na hindi agad matutuldukan ang water service interruptions kahit nadagdagan ng dalawang metro ang antas ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan.

Ang nasabing dam ang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Paliwanag ni David, nalagpasan pa lang ang critical level ngunit lubhang malayo pa para maabot ang normal water elevation na 180 meters.

Aniya, isang bagyo pa na may malakas na pag-ulan ang kailangan para tuluyang maabot ang sapat na antas ng tubig.

Payo ni David, panatilihin pa rin ang pagtitipid dahil maaaring maulit pa ang kakapusan ng supply kapag naging madalang na uli ang mga pag-ulan.