-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang pag-iikot ng mga tauhan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office sa kabuu-ang bayan ng Bayabas, sa lalawigan ng Surigao del Sur upang malaman kung nag-iwan ba ang danyos ang yumanig na magnitude 5.6 na lindol kagabi.

Base sa datus ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, unang naitala ang 6.1 magnitude na lindol dakong alas 6:24 kagabi na nasa layong 49-kilometros sa silangang bahagi ng nasabing bayan.

Pagkalipas ng iilang minuto ay ibinaba ito ng PHIVOLCS sa 5.6 magnitude kungsaan naramdaman ang pagyanig hanggang sa bayan ng Rosario sa Agusan Del Sur na umabot sa Intensity III, Intensity II naman sa Surigao City, Surigao Del Norte at Intensity I sa Bislig City, Surigao Del Sur pati na sa mga bayan ng Abuyog at Hilongos sa Leyte.

Naramdaman din ito dito sa lungsod ng Butuan na nasundan naman pasado alas-7:22 at alas-7:35 ng gabi na nasabi ring bayan kungsaan naitlaa naman ang 4.2 nmagnitude.

Nasundan pa ito ng 4 na mga aftershocks hanggang sa alas-11:29 kagabi at muli namang tumama ang 5.6 magnitude na linog sa natura ring bayan na sinundan pa ng iilang mga aftershocks.

Sa inilabas naman na bulletin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nananatiling normal ang serbisyo ng kanilang power transmission sa kabila ng malalakas na pagyanig.

Wala pa silang natanggap na mga reports kaugnay sa pagkakaputol ng mga linya ng kuryente pati na sa kanilang transmission facilities sa Surigao del Sur at sa mga kalapit na lugar.