-- Advertisements --

Naniniwala si Capiz Rep. Fredenil Castro na hindi seryoso ang Pangulong Rodrigo Duterte sa naging negative remarks nito sa ilang bahagi ng Philippine Constitution.

Kaugnay ito ng mga pahayag ng Pangulo na “senseless and thoughtless” ang probisyon na nagsasabing obligasyon ng estado na protektahan ang Exclusive Economic Zone (EEZ).

Para kay Castro, bilang abogado, alam daw ng Presidente na seryosong bagay at makabuluhan ang bawat nakatala sa ating saligang batas.

Aniya, malalaman naman natin kung seryoso o hindi seryoso ang chief executive base sa mga gagawin nitong hakbang sa hinaharap.