-- Advertisements --

Minaliit lamang ni House Committee on Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang posibleng epekto nang pagpapatigil sa implementasyon ng Visit Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at tropa ng America.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Salceda, iginiit nito na baka sa halip na makasama ay makakabuti pa ang pagkansela ng VFA tulad nang tinanggal ang mga US military bases sa bansa.

“I have been against the US military bases in the Philippines, and I am also against the VFA. So for whatever the intention or motivation, I think it is good for our country and in impact, they need us. Kailangan po nila ang PIlipinas.,” ani Salceda.

Panahon na rin aniya para gawing globalize ang foreign policy ng Pilipinas at hindi lang nakadipende sa iilang bansa lamang upang sa gayon ay makamit din ang mga goals ng bansa.

Kung tutuusin, ayon kay Salceda, matagal nang kaalyado ang Estados Unidos subalit wala naman aniyang malaking ginawa ito pagdating sa issue sa tensyon ng Pilipinas at China sa exclusive economic zone sa West Philippine Sea (WPS) kaya hindi kawalan ang pagpapatigil sa implementasyon ng VFA.

“Akala ko ba strategic allies tayo? In real terms, they have never done their share based on the designation of the Philippines as strategic partner and ally,” dagdag pa nito.

Sa kabilang dako, nababahala naman si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa oras na totohanin ng pamahalaan ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya umaapela itong irekonsidera ang naunang pahayag lalo pa at hindi pa rin humuhupa ang tensyon sa WPS.

“If we do that, we will tell our allies – the Americans – that we don’t need them and we’re not friends with them anymore because we can just do that,” ani Rodriguez.

“The problem is, it is an ally which can really help us in case of conflict with China will arise because of the different territorial claims,” dagdag pa nito.

Maari rin kasi aniyang gumanti pa ang US at kanselahin naman ang Mutal Defense Treaty para kalaunan ay huwag nang rumisponde at tumulong sa Pilipinas sakaling magkaroon ng kaguluhan sa Pacific Ocean.

“Now, if you cancel the VFA, and the Americans will cancel the MDT, what will happen to us? We’ll be left alone to face China. We cannot control them; we cannot defend ourselves against them. But with US, we can. The US is capable of military assistance to us. So let us not already abrogate our friendship with them,” saad ni Rodriguez.