Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group sa insidente ng umano’y hacking sa logistics, data, information, and management system ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay PNP Public Information Office chief Pcol. Jean Fajardo, sa ngayon ay hawak na ng naturang yunit ng Pambansang Pulisya ang records ng mga posibleng nag log in sa server at isinasailalim na ito sa pagsusuri.
Ngunit batay aniya sa kanilang naunang assessment ay lumalabas na maayos at nasa good running condition ang system ngunit nananatili pa rin itong naka-shutdown upang magbigay-daan pa rin sa nagpapatuloy na imbestigasyon ukol dito.
Samantala, sa kasalukuyan ay wala pa aniyang impormasyon kung naapektuhan ang logistics, data, information, and management system ng PNP.
Ngunit kaugnay nito ay tiniyak naman ni Pcol. Fajardo na tuloy tuloy ang ginagawang assessment and investigation ng cyber response team ukol dito.