-- Advertisements --

Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang posibleng kaso ng typhoon fatigue sa mga biktima ng bagyo at rescuers sa gitna ng magkakasunod na kalamidad sa ating bansa.

Ayon kay Health ASec. Albert Domingo, patuloy nilang ita-track ang typhoon fatigue o burnout.

Hinimok naman ang health personnel na magbigay ng counseling ng nasa 5 minuto para sa mga indibidwal na nananatili sa evacuation centers.

Kailangan din aniya ng mental health follow-up para sa mga evacuee na may pre-existing conditions o dumaranas ng trauma dahil sa mga bagyo.

Nasa proseso naman na ang DOH sa pagpapahusay pa ng mental health monitoring at recording para sa depression at iba pang mental health conditions.

Hinihimok naman ang mga biktima ng bagyo na tumawag sa crisis hotline na 1553 kapag kailangan nila ng makakausap.