Naniniwala ang Indonesian search teams na nahanap na nito ang lugar kung saan nawawala ang naval submarine na may sakay na 53 indibidwal kasabay nang babala ng mga otoridad na paubos na ang oxygen sa naturang submarine.
Ang area of interest ay tinatayang nasa 40 kilometro sa hilagang parte ng Bali, Indonesia kung saan may namataang langis sa ibabaw ng tubig malapit sa dive point na hinihinalang galing sa submarine na kanilang na-detect.
Sinabi ni Maj. Gen. Achmad Riad, pinuno ng central information unit ng militar, na na-detect ng naval vessel ang isang malakas na magnetic resonance na tinatayang may lalim na 50 hanggang 100 metro.
Ang warship Riguel ay mayroong high-tech sonar na gumagamit ng sound waves upang hanapin ang mga bagay sa ilalim ng dagat. Umaasa naman ang navy na mahahanap nito ang KRI Nanggala-402, isang German-made submarine na nawalan ng contact habang isinasagawa ang military exercise sa Bali Strait.
Ilan pang mga barko na may high-tech capabilities ang sumali na rin sa search efforts, dahilan upang buuin ang search team na kinabibilangang ng 21 Indonesian warships, submarine at dagdag pang barko mula sa mga otoridad ng Indonesia at rescue department.