-- Advertisements --
Panelo
Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo

Naniniwala ang MalacaƱang na posibleng wala sapat na ebidensyang naiharap ang prosekusyon kaya ibinasura ng Sandiganbayan ang isa pang civil case na inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos at asawa nitong si Imelda.

Una rito batay sa desisyon ng Second Division, kulang ang mga naiprisentang ebidensya para patunayan na si Bienvenido Tantoco ay nagsilbing dummy ng dating pangulo sa paglikom ng P1.052 billion halaga ng ill-gotten wealth.

Batay sa kasong inihain ng prosekusyon, ang mga Tantocos ay nakakuha ng prangkisa para sa operasyon ng duty-free shops upang ikubli umano ang totoong pinagmulan ng kanilang yaman.

imelda
Former First Lady Imelda Marcos

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman sa Duterte administration naisampa ang kaso at nadatnan na lamang nito ito sa korte.

Ayon kay Sec. Panelo, kung ganito ang desisyon ng Sandiganbayan ay wala silang magagawa at kanilang igagalang ang ruling batay sa naiharap na ebidensya.

Bahala na rin umano ang Office of the Solicitor General (OSG) kung iaapela pa sa Sandiganbayan o iakyat sa Korte Suprema ang nasabing desisyon.

Depende na raw kay Solicitor General Jose Calida kung sa tingin nito ay may batayan pa para iapela ang kaso.