-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinag-aaralan ngayon ang guidelines sa pagpapatupad ng seguridad sa itinatayong Bicol International airport sa Barangay Alobo, Daraga, Albay matapos ang nangyaring pagpapasabog ng equipment ng isa sa mga contractor ng paliparan sa Brgy Gapo.

Ayon kay Police Lt. Col. Rodelon Betita, hepe ng Daraga Municipal Police Station, pinag-iisipan rin ang muling pagde-deploy ng karagdagang tropa sa naturang lugar upang magbigay ng seguridad sa publiko.

Sa kabila nito, iginiit ng opisyal na mayroong detachment ang Philippine Army sa lugar subalit malayo ito sa pinagyarihan ng pagpapasabog ng pinaniniwalaang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Dagdag pa ni Betita na pinag-aaralan na rin ngayon ang posibleng lapses sa pagbibigay ng seguridad sa lugar kung mayroon mang pagkukulang ang mga otoridad.

Subalit iginiit ng hepe na malayo ang detachment ng militar sa pinangyarihan ng pagsabog kaya hindi agad nakapag responde ang mga ito.

Samantala, pinabulaanan naman ng Daraga PNP ang una nang naiulat na sinasabing pagsalakay at harassment sa mga kasapi ng Philippine Army sa Brgy. Alobo.