Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na gagawin nila ang lahat para matukoy kung nagkaroon ng lapses sa hanay ng mga Police medical frontliners na nagmamando sa isa sa Covid-19 mega quarantine facility dahilan sa pagkasawi ni PCapt. Casey Gutierrez matapos makalanghap ng nakakalason na kemikal.
Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon para matukoy kung sino ang nagkulang sa insidente ng sa gayon mapanagot ito.
Sinabi ni Gamboa, kaniyang sisiguraduhin na mabibigyan ng hustisya ang pagkasawi ng police doctor.
Inatasan na ni Gamboa si PNP Deputy Chief for Administration and head of Administrative Support to Covid-19 Task Force para magsagawa ng imbestigasyon lalo na sa administrative flow ng nasabing quarantine facility.
Ayon kay Gamboa layon ng gagawing imbestigasyon ni Cascolan ay para magkaroon pa ng improvement sa medical protocols sa nasabing quarantine areas