Batay sa typhoon cyclone threat potential forecast na inilabas ng weather agency, maaaring maka-apekto ito sa Visayas at Southern Luzon.
Ayon sa ahensiya, isang tropical cyclone-like vortex ang posibleng mabuo sa southern part ng tropical cyclone advisory domain nito at pinangangambahan itong may potensyal na maging bagyo.
Sa kasalukuyan ay mayroong ‘small to medium chance’ na mabuo ito bilang bagyo. Maaari umanong ma-develop ito mula December 16 hanggang Dec. 22.
Samantala, kung papasok man ito sa Philippine Area of Responsibility(PAR), tatawagin itong Querobin, ang pang-17 bagyo na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Sa kabila nito, sinabi ng ahensiya na walang bagyong inaasahan na mabubuo o makaka-apekto sa bansa sa nalalabing bahagi ng kasalukuyang lingo.