‘
Nagbabala ang state weather bureau sa posibleng delikado at life-threatening situation sa probinsiya ng Aurora na nasa ilalim ngayon ng Tropical Cylone Wind Signal No. 5, habang napapanatili ni Super Typhoon Pepito ang kaniyang lakas bago ito mag langfall.
Batay sa weather bulletin ng Pagasa as of 2 p.m. si Pepito ay nasa coastal waters ng Baler,Aurora.
Ang super typhoon ay may maximum sustained winds na 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kph.
Si Pepito ay gumagalaw pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Ang Wind Signal No. 5 ay itinaas sa gitnang bahagi ng Aurora – Dipaculao, Baler, Dinalungan, Maria Aurora, Casiguran at San Luis at sa katimugang bahagi ng Quirino gayundin sa timog na bahagi ng Nueva Vizcaya.
Mas maraming lugar sa Hilagang Luzon ang inilagay sa ilalim ng Wind Signal No. 4.
Maaaring mag landfall si Super Typhoon Pepito sa Aurora ngayong Linggo ng hapon at saka tatawid sa hilagang Central Luzon at timog Northern Luzon.
Tatawid ito sa katimugang bahagi ng Hilagang Luzon bago lumabas sa ibabaw ng West Philippine Sea sa huling bahagi ng Linggo o madaling araw ng Lunes.
Ang napakalakas na hangin, malakas na pag ulan, at pagdagsa ng bagyo habang tumatawid ang Pepito sa Luzon ay maaaring magdulot ng malawak at malubhang pinsala, pagbaha, at pagguho ng lupa sa maraming bahagi, lalo na sa agarang landas ng bagyo.
Aalis si Pepito sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes.