LAOAG CITY – Naniniwalang umanoy may anumalya sa eleksiyon para sa posisyong national chairperson ng Philippine Councilors League.
Ito ang reaksiyon ni Sangguniang Bayan Member Apolonio Medrano ng bayan ng Sarrat, Ilocos Norte matapos malaman ang ilang impormasyon at hinaing ng mga naunang nakapagboto kahapon.
Sinabi ni Medrano na nasa loob sila ng polling place na nakatakdang susunod sanang bomoto ngunit noong boboto na sila ay tinanggal na ang mga election device.
Aniya, sa printed summary ng mga nakapagboto ay di umanoy hindi tama ang resulta dahil ang iba ay imbes na si Polangui Councilor Jesciel Salceda ang lalabas sa summary ay si Davao City Councilor Danilo Dayanghirang at ganun din sa ibang nakaboto.
Dagdag ng konsehal na possibleng isagawa na ang eleksiyon matapos ang 60 araw sa probinsya o sa regional.