-- Advertisements --

Malaki ang paniniwala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Rey Leonardo Guererro na may posibilidad na may natitira pang ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) cells sa bansa.

Ayon kay Guerrero, maaaring hindi lang sa Mindanao nakakalat ang mga remnant ng ISIS kundi maging sa ibang lugar gaya ng Maynila.

Inaasahan na aniya ito ng militar kung magkakaroon ng ISIS cells sa iba bukod sa Marawi City.

Gayunman, siniguro ni Guerrero na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang AFP sa mga law enforcement agencies at local government units para matukoy at mamonitor ang mga bantang ito.

Sinabi ni Guerrero, magiging prayoridad ng AFP na tapusin ang lahat ng mga threat group kabilang ang New People’s Army, mga terrorista, at lawless armed groups sa loob ng dalawang buwan ng kanyang panunungkulan.

“We do not know pero we suspect na meron talaga, meron pang remnants, that is expected,” wika pa ni Guerrero.