Naghahanda na ang Philippine Embassy sa Israel kung sakaling magkaroon ng pagbabago sa security situation sa Israel.
Sa harap ito ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Iran at Israel matapos na makisimpatya ng Iran sa Palestine na patuloy na binobomba ng Israel.
Dahil sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Palestine at Israel, libo-libo na ang mga nasawi na mga inosenteng palestino.
Kaugnay nito, nagsimula nang makipagpulong ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa iba pang mga Embahada ng Pilipinas sa Middle East kasama na ang Jordan.
May regular ding ugnayan ang Philippine Embassy sa Israel sa Department of Migrant Workers at sa Armed Forces of the Philippines.
Layon ng hakbang na ito na masigurong nasa mabuting kalagayan ang mga OFWs at OF na nasa Israel.
Patuloy rin ang repatriation effort ng pamahalaan para sa gustong umuwi muna pansamantala sa Pilipinas.
Nagbibigay din ito ng mga kaukulang ayuda para makapag simula silang muli dito sa bansa.