Tatalakayin sa susunod na linggo ang posibleng pagbabawal ng paggamit ng artificial intelligence at deepfakes para sa 2025 midterm election.
Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, tatalakayin ng commision en banc sa Miyerkules kung saan kokonsultahin ang ilang mga eksperto kaugnay sa nasabing usapin.
Matatandaan na una ng inirekomenda ng poll body chief sa Comelec en banc ang pagbabawal sa mga kandidato mula sa paggamit ng AI technology at deepfakes sa kanilang pangangampaniya sa halalan.
Ayon sa Comelec chairman, ang pag-abuso sa naturang teknolohiya sa paggawa ng campaign materials gaya ng videos, audio at iba pa ay katumbas ng fraudulent misrepresentation sa mga kandidato.
Bagamat nilinaw ng opisyal na hindi lahat ng AI ay masama maliban na lamang sa mga gumagamit nito para sa pagpapakalat ng maling impormasyon o para sirain ang reputasyon o integridad ng kanilang kalaban sa halalan.
Ang AI nga ay isang simulation ng humaan intelligence sa mga machine o computer habang ang deepfake naman ay isang manipuladong digital recording na nagpapakita ng pekeng imahe, audio at video.