Iniimbestigahan na ng Philippine National Police ang posibleng pagkakasangkot ng Philippine Offshore Gaming Operators hub Sa Tarlac sa umano’y surveillance at hacking sa mga website ng ilang ahensya ng pamahalaan.
Kasunod ito ng kamakailan lang na isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros ang posibleng kaugnayan ay pagkakasangkot ng kumpanyang Zun Yuan Technology Inc. sa mga nangyaring hacking incidents sa kamakailan lang sa mga website system ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Anti-Cybercrme Group sa Department of Information and Communication Technology at maging sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa kaukulang berepikasyon hinggil sa naturang pahayag ng senadora.
Kasabay nito ay tinututukan rin aniya ng kapulisan ang naturang usapin at hindi rin aniya sila sa magpapaka-kampante sa sitwasyon dahil lalo na’t patungkol ito sa pambansang seguridad.
Ang Zun Yuan Inc. ay isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nakabase sa Baofu compound sa Bamban, Tarlac na sinalakay ng mga awtoridad noong isang buwan dahil sa pagkakasangkot nito sa malawakang scamming.