-- Advertisements --

Ibinunyag ng pamunuan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang posibleng paglilipat ng mga operasyon ng POGO hub sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) executive director Gilbert Cruz, patuloy ang kanilang monitoring sa nasabing aktibidad matapos ang isang ulat na kanilang natanggap.

Aniya, aabot sa 80% ng kabuuang 400 POGO hubs na kanilang na monitor ay tuluyan nang naipasara.

Nilinaw rin ng opisyal na hindi natatapos dito ang kanilang operasyon sa halip ay tinututukan rin nila ang mga maliliit ng POGO like operations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.

Una nang ipinag-utos ni PBMM sa pamamagitan ng paglalabas ng isang executive order ang pagbabawal sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming, internet gaming, at iba pang offshore gaming operations sa buong bansa.

Nadeport na rin ang aabot sa 22k na mga foreign POGO workers mula sa target na 33k POGO workers habang pinaghahanap pa rin ng Bureau of Immigration ang nalalabing 11k na mga foreign workers na hindi pa sumusuko sa mga otoridad.