-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ngayon ng mga eksperto at ilang mga government advisers ang posibilidad ng pagbababa sa Alert Level 0 status sa buong bansa.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng daily cases ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na anim na araw.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagbaba sa Alert Level 1 sa Metro Manila at 38 pang mga lugar sa bansa ngayong buwan ay naging maayos kasabay ng pagbabalik sa full capacity operation sa lahat ng mga establisyemento dito.

Dahil dito ay posible na aniyang maibaba pa sa Alert Level 0 ang bansa, ngunit nilinaw na kinakailangan pa itong pagpulungan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Inaasahan na sa susunod na mga araw ay maglalabas na ng rekomendasyon hinggil dito ang ilang expert panel at technical advisory group ng bansa.

Samantala, binanggit din ng kalihim na sa ngayon ay tinitignan na rin ng IATF kung maaari na rin na ibaba sa Alert Level 1 ang iba pang mga lugar sa Pilipinas.