(Update) ROXAS CITY – Nirerespeto ng militar ang karapatan ng indibidwal na dinakip kamakailan nang mapagkamalang leader ng New People’s Army (NPA), kung magdesisyon itong magsampa ng kaso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Army Captain Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division Philippine Army, sinabi nito na karapatan ito ni Baltazar Saldo at hindi nila ito mapipigilan.
Ngunit binigyang linaw ng opisyal na umakto lamang sila batay sa natanggap na impormasyon mula sa isang witness na nanindigan na si Saldo ang matagal nang hinahanap na dating commanding officer ng rebeldeng grupo na may apat na mga warrants of arrest.
Nanindigan rin si Pancito na dumaan sa masusing intelligence monitoring ang lahat, kung saan pinaalala nila sa witness ang haharaping konsekwensiya kung mapapatunayan na ito ay nagsinungaling.