-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na kanila na ring pinaghahandaan ang posibleng pagtama ng La Niña Phenomenon sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao sa ginanap na pulong balitaan kahapon.

Ayon kay Dumlao, ang hakbang na ito ay kasunod ng inilabas na abiso ng state Weather Bureau sa posibleng epekto ng La Niña sa bansa.

Paliwanag pa ni Dumlao na sa ngayon ay nagpulong na ang Disaster Response Management Group ng kanilang ahensya.

Layon nito na paigtingin ang plano ng ahensya sa kanilang gagawing mga interbensyon sa mga posibleng maapektuhan ng naturang weather phenomenon.

Nagkaroon na rin aniya ng green light para sa pagpapatupad ng ‘Buong Bansa Handa Project’ katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno at ilang private sector sa bansa.

Sa pamamagitan nito ay mapapabilis ng tulong sa mga lugar na madalas bisitahin ng mga sakuna.