Magsasagawa ang Philippine National Police (PNP) ng isang malalimang imbestigasyon sa modus operandi na “rent-sangla” para malaman kung sino-sino ang mga sangkot dito.
Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na isa sa titingnan nila ay ang posibilidad ng sabwatan ng sindikato at mga empleyado ng banko.
Sinabi ni Dela Rosa na nakapagtataka raw aniya ang isang kaso na hawak nila kung saan nakapag-loan ng 16 na sasakyan sa isang bangko ang iisang tao ng hindi man lang naghinala at nagsumbong sa pulis ang banko kaya dapat mag ingat ang mga bangko sa pagtanggap ng mga applikasyon ng mga car loan para hindi mapaghinalaan na may sabwatan ang mga ito sa mga sindikato ng rent-sangla sa ngayon.
Ayon kay PNP HPG Director Chief Supt Antonio Gardiola, mayroon nang ilang lending institutions ang nakikipag uganayan sa kanila.
Pero wala pa aniya silang namomonitor na may sabwatan ang mga banko at sindikato ng rent-sangla.