-- Advertisements --

Binakante ang posisyon ng chairmanship para sa House Committee on Appropriations kasunod nf pagbubukas ng sesyon ng Kamara ngayong araw.

Si Senior Deputy Majority leader Sandro Marcos ang nagmosyon sa naturang hakbang.

Sinangayunan naman ito ng plenaryo.

Ang nasabing mosyon ay ginawa bago ang talumpati ni Speaker Martin Romualdez sa pagbubukas ng regular session ngayong araw.

Hawak ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang naturang posisyon.

Wala pa namang opisyal na pahayag ang liderato sa dahilan ng pagbakante sa posisyon.

Sa ngayon wala pang pinapangalanan ang liderato ng Kamara kung sino ang papalit sa pwesto ni Co.

Maging si Rep. Zaldy Co ay wala pa ring pahayag. 

Si Co ay kilalang kaalyado ni Speaker Martin Romualdez.