Hihintayin muna ng Kongreso ang posisyon ng Department of Finance at mga stakeholders sa panukalang moratorium sa pagtaas ng buwis sa sigarilyo.
Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, mahalagang malaman muna ang posisyon tungkol dito ng DOF bago magtakda ng direksiyon ang komite.
Sinabi ni Salceda, batay sa datos, umaabot sa P129 billion ang nawalang revenue sa gobyerno dahil sa mga sigarilyo na smuggled at hindi napapatawan ng buwis.
Dagdag pa ng ekonomistang mambabatas, napaka-mura na ngayon ang pagbili ng sigarilyo online o “by bulk” at mas mababa ito ng 1/3 sa presyo ng taxed at legal cigarettes.
Sa report ng National Nutrition Survey, tumaas ng 5-percent ang mga naninigarilyo sa bansa mula 2021 hanggang 2023 dahil sa paggamit ng vape lalo na ng mga kabataan.
Sinabi ni Salceda dahil din sa vape, hindi nakatulong ang layunin na mabawasan ang mga naninigarilyo kapag itaas ang buwis sa sigarilyo.