-- Advertisements --
Nananatili ang posisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. laban sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Tugon ito ng Malakanyang sa tanong kung may epekto ba ang peace rally ng Iglesia ni Cristo sa paniniwala ng Pangulo na hindi dapat ma-impeach si VP Sara.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, hindi nagbabago ang posisyon ni PBBM sa hakbang na ito ng Kamara.
Matatandaang hinarang ni Pang. Marcos ang ikinakasang impeachment laban sa bise presidente.
Katuwiran nito, pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte.
Hindi naman kasi aniya mababago ang buhay ng mga Pilipino kung mai-impeach ang bise presidente.
Giit pa ng Palasyo, maraming mas mahahalagang kailangang gawin para sa bayan.