-- Advertisements --

Todo na ang paghahanda ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa mga hakbang para sa post-pandemic initiatives para sa magiging maayos na transition sa bagong administrasyon.

Sinabi ni NEDA chief at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, dalawa raw ngayon ang kanilang nakikitang problema ng bansa na kailangan nilang resolbahin.

Ito ay ang kasalukuyan at ang hinaharap na problema matapos tumama ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa na labis na nakaapekto sa kabuhayaan ng ating mga kababayan.

Dahil dito, ipinag-utos na raw ni Chua sa mga ahensiya na mag-focus sa apat na key areas para makapagbigay ng matibay at mas magandang pundasyon sa susunod na administrasyon.

Kabilang sa mga four key areas ang smart infrastructure, innovation, regional equity at climate change.

Target pa rin daw kasi ng pamahalaan na matupad ang kanilang planong Ambisyon natin 2040 dahil pagsapit sa taon na ito ay wala nang nabubuhay sa kahirapan sa bansa.

Sinabi ni Chua na ang smart infrastructure ay magdudugtong sa mga kasalukuyang road infrastructure sa kanilang konseptong smart cities.

Nasa sentro raw ng mga imprastraktura ang urban mobility at development na sakop ang transportation, digital communication, planning, land use at environment.

Para naman sa innovation, magiging daan ito para sa henerasyon ng mga bagong ideta sa iba’t ibang industriya para makapag-compete ang bansa globally.

Maliban sa technological advancements, innovation kasama rin dito ang systems at process improvements lalo na sa basic sectors gaya ng agriculture.

Kung pag-uusapan naman ang regional equity, sinabi ng Cabinet official na kailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang paggamit ng mga resources para sa mga mahihirap na lugar na mayroon malaging agwat sa social services.

Muli ring iginiit ng chief economist ang kahalagahyan ng Philippine Identification System na layong bigyan ang mga Pinoy ng valid proof of identity para maisagawa ng pamahalaan ang kanilang progama nang maayos.