-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sunod-sunod ang isinagawang mental health at psycho-social support programs sa Dinagat Islands Province upang malaman ang kondisyon ng pag-iisip ng mga taga-isla matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

Kahapon ang mga doktor mula sa Southern Philippines Medical Center ay nagpunta ng Dinagat Islands para sa pagbibigay ng psycho-social support partikular sa mga kabataan at mga senior citizen.

Layunin nito na matutukan ang kanilang mental health matapos pagdaanan ang panahon ng kalamidad.

Sa panig ng mga bata, natukoy ang kanilang naramdaman at kung ano ang nasa kanilang isipan matapos ang bagyo sa pamamagitan ng kanilang mga drawing bilang bahagi ng post-typhoon therapy.