-- Advertisements --
Pinagbabawal na ng Twitter ang mga mensahe na nagnanais at humihiling sa pagkamatay ni US President Donald Trump.
Ang nasabing hakbang ay umani nang argumento sa mga netizens na nagsasabi na dapat din ipatupad ang parehong patakaran para sa lahat.
Inulan ng pambabatikos sa social media ang Republican President matapos lumabas ito ng military hospital at pumaparada sakay ng SUV upang kawayan ang kaniyang mga supporters.
Ikinagalit ng mga netizens ang ginawa nito lalo pa’t positibo sa nakakahawa at makamatay na sakit ang Pangulo.
Una nang pinuna ng mga doktor ang ginawa ni Trump kung saan tinawag ito na ”amazingly irresponsible”. (Report from Bombo Jane Buna)