-- Advertisements --

Binabantayan na ng state weather bureau ang isang ‘potential weather disturbance’ na maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa ahensiya, ito ay may ‘low to moderate’ na tyansa ng pagkabuo bilang isang tropical cyclone.

Kung lalakas ang naturang weather system, posibleng maka-apekto ito sa eastern portion ng Mindanao, Visayas, at Southern Luzon.

Kung papasok sa bansa at tuluyang maging ganap na bagyo, ito na ang ika-17 bagyo na makaka-apekto sa Pilipinas at tatawagin sa pangalang Querobin.

Batay sa inisyal na pagtaya, maaaring sa pagitan ng Disyembre-16 hanggang Disyembre-22 ay papasok ito sa Pilipinas kung mananatili ang lakas at galaw nito.

Ang huling bagyong naranasan ng Pilipinas ay ang Supertyphoon Pepito, ang isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon, taglay ang pagbugsong hanggang 256kph.