-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Maliban sa mga pulis na nakahuli sa nanlaban na kilabot na lider ng Alferez Robbery Group, mabibigyan din ng award ang mga pulis mula Misamis Occidental PNP sa kanilang matagumpay na pagparalisa ng isang potentional private armed group (PAG) na natunugang gagamitin ng isang lokal na pulitiko upang maging kanyang escort sa pangangampanya.

Sinabi ni Police Regional Office Spokesperson Police Supt. Surki Serenias sa Bombo Radyo na mas pinaigting nila ang kanilang intelligence monitoring habang nalalapit ang local campaign period dahil posibleng may namumuong intense political rivalvy sa nasabing lugar.

Inaasahang makakatanggap ng nasabing award ang tropa ni Police Senior Supt. Danildo Tumanda ng Misamis Occidental PNP.

Una rito, inaresto ng tropa ni Col. Tumanda si Jovenji Alferez alyas “Jojo” sa naganap na drug buy bust operation subalit nanlaban ito at napatay.

Ang grupo ni Alferez ang itinurong prime suspek sa mga naganap na bank robbery at pagnanakaw ng isang pawnshop sa loob ng isang malaking mall sa mga nakalipas na taon.