-- Advertisements --
Patuloy ang pag-aray ng mga poultry raisers dahil sa pagtaas ng kanilang pagkalugi.
Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) chairman emeritus Gregorio San Diego, na bumagsak sa P98 per kilo ang farmgate price pero nananatiling mataas ang retail cost na umaabot sa P230 per kilo.
Dagdag pa nito na mas malayo ang nasabing halaga ng farmgate price dahil ang production cost ng mga farmers ay aabot mula P110 hanggang P115 kada kilo.
Kahit na bumaba ang farmgate price ng mga manok ay wala silang control sa mga retail price sa palengke.
Nanawagan ang kanilang grupo sa Department of Agriculture na dapat ay gumalaw na ang mga ito laban sa mga overpriced na retail cost ng mga manok.