-- Advertisements --

Ipinagbabawal na ngayon sa Cebu city ang pagpasok ng poultry at iba pang related products dito mula sa Luzon.

Batay sa inilabas na executive order ni Cebu City Mayor Micahel Rama na nagbabawal sa pagpasok sa lugar ng lahat ng klase ng poultry products mula Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng avian influenza o bird flu.

Ito ay matapos na makumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga kaso ng bird flu sa Luzon.

Samantala, nagpahayag naman ng pangamba si Albay Rep. Joey Salceda hinggil sa posibleng pagkakaroon ng bird flu outbreak sa Bicol matapos na ma-detect ang mga kaso nito sa mga bayan ng Bula at Sipocot sa Camarines Sur.

Ayon kay Salceda, ang mga naturang lugar kasi aniya ang souce ng poulty products sa Albay.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang opisyal sa ilang mga ahensya ng gobyerno para sa pagbuo ng mga guidelines upang mapagtibay pa ang mga hakbang sa pag-iwas sa avian flu.