Inihayag ng Philippine Independent Power Producers Association Inc. na bukas sila sa isasagawang pagsisiyasat ng gobyerno sa National Grid Corporation of the Philippines.
Sa isang pahayag, sinabi ng naturang generation company na ikinatutuwa nila ang planong ito ng administrasyong Marcos Jr.
Kung maaalala, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nations Address na plano nilang i review ang naturang korporasyon.
Dagdag pa ng Philippine Independent Power Producers Association Inc., umaasa sila sa pakikipagtulungan ng National Grid Corporation of the Philippines.
Ayon sa Philippine Independent Power Producers Association Inc., ang NGCP ay isang critical partner hindi lang sa generation sector kundi pati na rin sa distribution sector.