Nakapagtala ang Department of Energy (DOE) ng power interruptions matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa lalawigan ng Abra.
Ayon sa report mula sa National Electrification Administration’s (NEA), mula sa 12 elecric cooperatives (ECs) sa lugar, mayroong isang EC ang kasalukuyang nakakaranas ng partial power interruption at nasa dalawang ECs naman ang nawalan ng supaly ng kuryente subalit agad naman naibalik habang ang iba pang siyam na ECs ay bumalik na sa normal ang kanilang operasyon at hindi na nakaranas pa ng power interruptions.
Sa ngayon ang EC na nakakaranas ng partial power interruption ay ang Abra Electric Cooperative (ABRECO) kung saan apektado dito ang mga bayan ng Bangued, Tineg, at Tayum.
Nakakaranas rin ng power interruption subalit nakabalik na sa normal na operasyon matapos ang pagyanig sa Ilocos Sur Electric Cooperative (ISECO) at Cagayan II Electric Cooperative (CAGELCO II).
Iniulat din ng DOE na walang naapektuhan na power generation o transmission facilities dahil sa lindol.
Ayon pa sa DOE, nananatiling intact at nasa normal na operasyon ang buong Luzon Grid.
Wala ding naitala na oil supply shortages at walang naapektuhang retail facilities.