KORONADAL CITY – Nagpapasalamat ang mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na hindi nagamit pa ng Ampatuan clan ang kanilang pera, impluwensiya at poder sa naging desisyon ng korte sa isinagawang promulgation of judgement sa kaso.
Ito ang inihayag ni Gng. Emily Lopez, presidente ng Justice Movement sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Lopez, hindi maikakaila na kahit nakakulong na ang mga Ampatuan nananatiling makapangyarihan ang mga ito dahil sa mga ka anak at kakilala na gumagalaw para sa kanila ngunit hindi umano patitinag ang mga pamilya ng mga biktima dahil bukas na umano ang pinakahihintay nilang araw sa kasaysayan ng bansa.
Samantala, maliban sa mga kaanak ng 58 mga biktima na dumalo sa promulgasyon nagtipon naman ang mga anak at ilang kaanak ng mga biktima sa General Santos City at sinaksihan ang live coverage.
Ayon naman kay Janchiene Maravilla anak ni Bombo Bart Maravilla dating chief of reporters ng Bombo Radyo Koronadal at isa sa 32 kasapi ng media na kasama sa mga biktima ay napagkasunduan ng mga ito na magtipon sa isang safe na lugar.
Isang misa rin ang inialay bago ang promulgasyon.