Nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) na maaari pang maulit ang rotating brownouts sa mga lugar na kanilang siniserbisyuhan dahil sa manipis na supply ng koryente.
Matatandaang kahapon ay nakapagtala ng power outage kasunod ng red alert status na inilabas kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Partikular na nagkaroon ng mahigit isang oras na brownout sa Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Bulacan, Cavite, Batangas at Laguna.
Sinasabing ang biglaang pagkasira ng ilang planta ang sanhi ng mababang reserba ng power supply.
Paliwanag ni Energy Usec. Wimpy Fuentebella, umabot sa 1,352 megawatts ang nawalang kuryente sa Luzon grid dahil sa nagkaaberyang mga planta na kinabibilangan ng Sual Unit 1, SLPGC Unit 2, Pagbilao Unit 3, SLTEC Unit 1, Malaya Unit 1 at Calaca Unit 1.