Inaasahang mararanasan ang power outages sa ilang lugar sa Luzon at Visayas kasabay ng muling pagsasailalim sa red alert status sa Luzon at Visayas grid ngayong araw ng Miyerkules, Abril 24.
Ayon sa inilabas na grid alert status ng National Grid Corporation of the Philippines kaninang umaga, ipapairal ang red alert sa Luzon grid mula alas-3 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon habang ang yellow alert naman ay mula alauna hanggang 3pm at 4pm hanggang 10pm.
Ang available capacity sa Luzon grid ay nasa 14,241 MW at inaasahang mag-peak ang demand ngayong araw sa 13,643MW.
Habang sa Visayas grid naman pinairal ang red alert mula ngayong alas-12 ng tanghali hanggang alas-5 ng hapon at mula 6pm hanggang 8pm.
Pinairal naman ang yellow alert kaninang 10am hanggang 12nn, mamayang 5pm hanggang 6pm at mula 8pm hanggang 9pm.
Ang available capacity naman sa Visayas gird ay nasa 2,462MW kung saan inaasahang magpi-peak ang deman sa 2,525MW.
Samantala, sa Mindanao grid naman pinairal ang yellow alert kaninang 10am hanggang mamayang 4pm.
Ang available capacity sa Mindanao grid ay nasa 2,761MW habang ang peak ng demand ay inaasahang papalo sa 2,614MW.
Inilalagay sa red alert status ang grid kapag ang power supply ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer at ang transmission grid na kinakailangan sa regulasyon habang ang yellow alert naman ay pinaiiral kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang mga kinakailangan contingency ng transmission grid.