-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ni-lockdown ang Palm Concepcion Power Plant Corporation (PCPC) sa Concepcion, Iloilo matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang 10 mga empleyado na pawang mga Chinese nationals.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Concepcion, Iloilo Mayor Dr. Raul Banias, sinabi nito na ang index case na Chinese national ay nawalan ng pang-amoy at pansamantalang isinailim sa swab test at nagpositibo sila sa COVID-19.
Ayon sa alkalde, nang nagsagawa ng contact tracing, lumabas na nahawaan din ng virus ang siyam pa na mga Chinese nationals.
Sa ngayon, naka-isolate na ang nasabing mga COVID-19 positive at nagsagawa na rin ng contact tracing sa iba pang mga empleyado na kanilang nakasalamuha.