-- Advertisements --
image 87

Nakaranas ng power outage ang ilang parte ng Luzon ngayon araw dahil ang dawalang transmission line at dalawang units ng Masinloc Power Plant ay nagkaroon umano ng problema.

Ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) nasa red alert mula 1PM hanggang 4PM ang ilang bahagi ng Luzon kung saan ito ay makakaranas ng kakulangan sa supply ng kuryente at itinaas naman ang yellow alert mula 6PM hanggang 8PM.

Itong yellow alert ay ibinibigay kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang mga kinakailangan sa regulasyon at contingency ng transmission grid.

Samantala, ayon sa National Grid Corp. of the Philippines, ang available capacity sa Luzon grid ay 12,186 megawatts (MW), ngunit ang naitalang peak demand ay 12,468 MW, kung mapapansin mas mataas ang demand kumpara sa supply.

Lima ang power plant ang forced outaged samantalang tatlo ang tumatakbo sa derated capacity kaya naman mayroong kabuoang 1,354 megawatts na unavailable sa grid.

Ang ilan umanong apektado ng power outage ay Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, at Metro Manila.

Kung maaalala, nagbabala rin ang National Grid Corporation of the Philippines na magiging manipis ang reserbang power sa kasagsagan ng tagtuyot sa buwan ng Marso hanggang Mayo.