-- Advertisements --
Pumanaw na ang actor na si Dave Mallow sa edad na 76.
Ayon sa kampo nito na namayapa na ang actor habang ito ay nasa pangangalaga ng MonteCedro Senior Living Community sa Altadena, California.
Sa mga nagdaang buwan kasi ay patuloy ang panghihina ng kaniyang kalusugan.
Nakilala ang actor na naging boses ni Baboo sa “Mighty Morphin Power Rangers”.
Naging voice talent din ito sa ilang mga pelikula gaya ng “Digimon”, “World of Warcraft: Legion” , “Tales of Vesperia: Definitive Edition” at “Diablo III”.