Pinirmahan na ng Sudan ruling general at ilang kasapi ng opposition groups ang kasunduan sa pagkakaroon ng power-sharing body matapos ang ilang linggong negosasyon ng dalawang panig upang buwagin ang political deadlock na umiiral sa Sudan.
Humantong sa kasunduan ng magkabilang panig na magkaroon ng joint-military civilian sovereign council na pamumunuan nang naturang bansa sa pamamagitan ng rotation.
Batay sa framework agreement, 11 bagong miyembro ng ruling general ang unang mamumuno sa bansa sa loob ng tatlong.
Bubuuin ito ng anim na sibilyan, kasama na ang limang miyembro ng protest umbrella movement at limang representante mula sa tropa militar. Pamumunuan ang mga ito ng isang heneral sa loob ng 21 buwan at susundan ng mula sa hanay ng mga sibilyan sa loob naman ng 18 buwan.
Inaasahan naman na pipirmahan sa darating na Biyernes ang mas klarong constitutional declaration na inilalatag ng Transitional Military Council (TMC) at Forces of Freedom and Change (FFC) alliance.