Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na simula ngayong weekend ay magsisimula ng bumalik sa normal ang supply ng kuryente sa buong Luzon.
Ayon sa NGCP, nagsimula ng bumalik sa operasyon ang pumalyang Unit 1 ng South Luzon Thermal Energy Corporation sa Batangas na may capacity load na 135-megawatts.
Sa kabila nito, nadagdagan pa ang bilang ng mga pumalyang powerplant.
Batay sa monitoring ng NGCP, nag-forced outage rin ang planta ng Pan Asia Energy Inc. sa Limay, Bataan kaninang madaling araw dahil sa overspeed ng mga turbine.
Pansamantala namang babawasan ng 210-megawatts ang 420-megawatt capacity ng San Gabriel Natural Gas Plant sa Batangas dahil sa restriction ng gas volume.
Sa ngayon manipis pa rin ang reserba ng kuryente sa Luzon dahil sa yellow alert warning ng NGCP na itinaas kaninang alas-10:00 ng umaga na magtatagal hanggang alas-5:00 mamayang hapon.
Babalik din ito mamayang alas-7:00 at magtatagal hanggang alas-10:00 ng gabi.