Ginagawa na ng pamahalaan ang lahat para maibalik ang power supply sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Odette.
Ayon kay NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) spokesperson Mark Timbal, target ng gobyerno sa pagpasok ng Enero 2022 na mai-restore ang linya ng mga kuryente.
Kung hindi naman aniya ito makaya sa susunod na buwan, tiyak sa darating na Perbrero 2022 ay fully restored na ang suplay ng kuryente sa mga nasabing rehiyon.
Paliwanag ng NDRRMC spokesperson, bukod sa pagbabalik ng power supply ay prayoridad din ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga bahay ng mga kababayan natin na nasira dahil kay “Odette.”
Dahil dito, uunahin muna na maisaayos ang mga nasirang bahay at isusunod ang paglagay ng kuryente.
Sa datos ng NDRRMC, 150 na mula sa 269 na cities and municipalities ang naibalik na ang power supply.
Siniguro naman ng Department of Energy sa publiko lalo na sa mga hinagupit ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao na magiging fully restored ang power supply sa May 9, 2022.
Batay naman sa initial assessment ng ahensya, pumalo na sa halos P4 billion ang pinsala sa infrastructure habang nasa mahigit P2 billion ang danyos sa sektor ng agrikultura.