Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na mayroong matatag na suplay ng kuryente sa Panay island sa kabila ng inisyung abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa posibleng panibagong blackout dahil sa hindi pa ring nareresolbang isyu sa planta na nagsusuplay ng kuryente sa lugar.
Ayon kay DOE Assistant Secretary Mario Marasigan, ang inilabas na abiso ng NGCP ay precautionary measure lamang at hindi dapat na ikaalarma.
Inihayag din nito na walang kakulangan at mayroong sapat na suplay ng kuryente.
Una rito, naglabas ng abiso ang NGCP matapos magpatupad ng manual load dropping (MLD) nang bumigay ang isa pang malaking planta sa Panay sub-grid na nagresulta ng 20 minutong pagkawala ng kuryente sa Negros at Panay sub-grid noong gabi ng Miyerkules.