-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Surigao del Norte Electric Cooperative (SURNECO) General Manager Narciso Caliao Jr., na nasa 90 percent na sa lahat ng kanilang area of coverage ay kanila ng na-energize ibig sabihin naibalik na nila ang suplay ng kuryente matapos tamaan ng magnitude 6.7 na lindol ang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Engr. Caliao na halos 90 percent na ng mga barangays sa Surigao City ang kanilang na-energize maliban na lamang sa iilang mga barangays na nangangailangan pa ng clearing sa mga linyang nasira at mga transformer.

Pagtiyak ni Caliao na sisikapin ng kanilang mga linemen maibalik na rin sa normal ngayong araw ang linya ng kuryente sa buong lungsod.

Samantala sa panig naman ng NGCP, kanila na rin nakumpleto ang kanilang isinagawang maintenance, repair sa may bahagi ng Butuan-Placer 138 KV line at ang nasabing linya ay matagumpay na na-energized bandang alas-4:46 ng hapon kahapon.

Sa isinagawa namang aerial inspection ng NGCP Mindanao District head wala itong nakitang facilities na nasira o naapektuhan sa malakas na lindol.

Sa kabilang dako, patuloy naman minomonitor ng Department of Energy (DOE) ang power situation sa Surigao del Norte.