-- Advertisements --
Ipinagbabawal na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagdadala sa loob ng mga eroplano ng powerbanks na lumalagpas sa 160 watt-hours na mga itinuturing na portable lithium-ion battery devices na siya namang maaring maging sanhi ng sunog.
Ayon sa naging advisory ng CAAP tungkol dito, maaari naman magdala pa rin ng mga powerbanks na dapat ay mababa lamang sa 100 watt-hours.
Ang mga powerbanks naman na lumagpas sa limitsyon ng watt-hours ay nangangailangan na maaprubahan muna ng mismong airline.
Binigyang diin din sa abiso na ang mga powerbanks ay mahigpit na ipinagbabawal din sa mga check-in luggage dahil sa pagiging fire hazard nito.