Matagumpay na isinagawa ng Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard ang Navigational Safety Forum noong Huwebes, Abril 11, 2024 sa PPA Head Office.
Dito ay pinagsama-sama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at port stakeholders mula sa Maritime Industry.
Layon ng forum na ito na magbigay ng plataporma para sa isang diyalogo ng mga maritime industry professionals, partner agencies , at mga pangunahing stakeholder.
Sa nasabing event ay kapwa tiniyak ng PPA at PCG ang seguridad, kaligtasan, at kaayusan ng navigation sa Manila Bay.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagbabago sa imprastraktura at mga proyekto sa reclamation, gayundin ang pag-optimize ng mga operasyon sa daungan.
Pinangunahan nina PPA General Manager Jay Santiago at CG VADM Rolando Lizor Punzalan Jr. ang forum na nilahukan ng 120 na attendees mula sa maritime industry.
Kabilang sa mga lumahok na ahensya ay ang Maritime Industry Authority, Department of Energy, Department of Social Welfare and Development, Philippine Reclamation Authority, at iba pa.
Sinabi pa ni Santiago na ang panawagan na protektahan at pangalagaan ang mundo para sa mga susunod na henerasyon ay nangingibabaw sa kanyang puso.